Itinatag ng The Network: Advocating Against Domestic Violence ang Pondo sa Krisis para sa Survivor para tugunan ang malalaking kakulangan sa safety net para sa mga survivor ng karahasan dahil sa kasarian at human trafficking.
Pagiging Kwalipikado:
Ang pangunahing pagiging kwalipikado para makatanggap ng pondo ay isa ka dapat biktima/survivor ng karahasan sa bahay, sekswal na pang-aabuso, stalking, at/o human trafficking. Bukod pa roon, mayroon kaming iba’t ibang alituntunin sa pagiging kwalipikado na pinapairal ng aming mga pinagmumulan ng pondo. Hihilingin sa iyong sumagot sa mga tanong sa aplikasyong ito para tukuyin ang iyong pagiging kwalipikado para sa lahat ng available na mapagkukunan ng pondo. Kung hindi ka kwalipikado para sa kasalukuyang pondo, o kung mauubusan kami ng pondo, maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo kung lalabas na kwalipikado ka para sa pondo sa hinaharap.
Isang Beses na Pagpopondo:
Ginawa ang pinansyal na tulong na ito para maging isang beses na pagbabayad sa isa sa aming mga available na pinagmumulan ng pondo. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para matulungan kang matanggap ang maximum na available na opsyon sa pagpopondo kung saan ka kwalipikado sa panahong mag-a-apply ka.
Tulong sa Tagapagtaguyod:
Maaaring sagutan ng isang tagapagtaguyod ang aplikasyon sa ngalan ng survivor at pumapayag ang survivor na makipag-ugnayan ang The Network sa kanya, sa kanyang tagapagtaguyod/Third Party, o pareho sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa bawat tao. Kapag naisumite na ang aplikasyon, makikipag-ugnayan kami para makakuha ng anumang paglilinaw o kulang na dokumentasyon. Bilang default, makikipag-ugnayan kami sa taong nag-log in sa account na ito para punan ang form.
Pagkapribado:
Alalahanin namin ang iyong pagkapribado at pagkakumpidensyal. Ang team lang ng The Network ang makakakita sa iyong mga sagot. Hindi namin kailanman ibabahagi ang iyong personal na impormasyon.
Ang Iyong Kaligtasan:
Alalahanin din namin ang iyong kaligtasan. Kung sa anumang punto, hindi kami makakakuha ng tugon sa loob ng dalawang linggo, at nakipag-ugnayan kami nang maraming beses, magiging hindi aktibo ang aplikasyon mo at hindi na kami makikipag-ugnayan sa iyo. Maaari kang makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa SurvivorFund@the-network.org.
Pagbabayad ng Mga Pondo:
Kung napagpasyahan naming kwalipikado ka para sa available na pagpopondo, papadalhan ka namin ng karagdagang form ng mga detalye ng pagbabayad para sagutan mo. Ipapadala ang mga pagbabayad sa sandaling makumpirma ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado at matanggap ang katanggap-tanggap na dokumentasyon hangga’t nananatiling available ang pondo.
Hindi Namin Magagarantiya ang Pondo:
Hindi ginagarantiya ang pondo dahil limitado ang aming pondo. Maaari naming isara ang portal ng aplikasyon kapag natanggap na ang isang partikular na bilang ng mga aplikasyon. Bubuksan namin ito ulit kapag may available na bagong pondo.
Walang Diskriminasyon:
Hindi kami nandidiskrimina batay sa katayuan sa migrasyon, lahi, kulay, bansang pinagmulan, relihiyon, kapansanan, edad, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, o kasarian. Hihingi kami ng opsyonal na demograpikong data sa katapusan ng form ng aplikasyon. Hindi makikita ng mga tagasuri ang impormasyong ito.
Mga Tanong at Tulong sa Pagsagot sa Apliksyon:
Kung may mga tanong ka o kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto sa aplikasyong ito, mag-email sa SurvivorFund@the-network.org. Kung kailangan mo ng mga serbisyo mula sa isang ahensya ng karahasan sa bahay o sekswal na pag-atake, pakitawagan ang Hotline ng Karahasan sa Bahay ng IL sa 1-877-863-6338.
Salamat sa mga kasalukuyan naming tagapondo:
Departamento ng Mga Pampamilya at Pansuportang Serbisyo ng Lungsod ng Chicago Programa ng Pambansang Lupon sa Pang-emergency na Pagkain at Shelter

We use Submittable to accept and review our submissions.